-- Advertisements --
Tinanggihan ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang proposal na paglalagay ng buffer zone sa pagitan ng mga sundalo ng Russia at Ukraine.
Ang nasabing panukala ay bahagi ng peace deal subalit kinontra ni Zelensky na hindi ito maipapatupad sa totoong labanan.
Dagdag pa nito na tanging mga hindi nakaka-intindi ng technological state sa makabagong labanan ang nagpapanukala ng buffer zones.
Hindi na magiging epektibo ito dahil sa mga makabagong armas na ginagamit ng magkabilang panig gaya ng mga drones.
Reaksyon ito ni Zelensky sa naging suhestiyon ng mga European Leaders na maglagay na dapat ng buffer zone ng hanggang 40 kilometers bilang bahagi ng ceasefire o pangmatagalang kasunduan.