-- Advertisements --

Ikinabahala ni Senador Risa Hontiveros ang pagkaka-enlist ng businessman na si Joseph Sy sa Philippine Coast Guard (PCG) Auxiliary, na aniya’y posibleng maging isyu sa national security ng bansa. Ayon kay Hontiveros, kamakailan lang ay na-detain ng Bureau of Immigration (BI) si Sy dahil umano sa paggamit ng fraudulently acquired Philippine identity documents.

Sinabi ng mambabatas, na tila isa itong kaso ng Alice Guo Part 2 kung saan nagpapanggap na Pilipino, may pekeng passport, at mga pekeng ID.

Aniya, bagamat voluntary at non-government ang PCGA ay nakakalungkot na nagkaroon ng access si Sy sa mga tao at events kung saan maaaring napag-usapan ang national security ng Pilipinas.

Ang insidenteng ito, ayon sa senadora, ay nagbibigay ng malaking pag-aalala at dapat imbestigahan nang malalim.

Bagama’t kinikilala ni Hontiveros na ang PCG Auxiliary ay isang voluntary at non-government organization, nakakalungkot aniya na nagkaroon si Sy ng pagkakataong magkaroon ng access sa mga indibidwal at mga pagtitipon kung saan maaaring natalakay ang mga sensitibong usapin hinggil sa national security ng Pilipinas.