-- Advertisements --

Inanunsyo ng DOTr ang pagsasampa ng administrative cases laban sa Aleson Shipping Lines, operator ng MV Trisha Kirsten 3, kasunod ng paglubog nito malapit sa Baluk-Baluk Island, Basilan noong Enero 26. Kasama rin sa kaso ang crew ng ferry, na suspendido ang ID documents.

Anim na PCG personnel at walo ng Marina sa Zamboanga ang inalis sa puwesto.

Ayon kay DOTr Sec. Giovanni Lopez, posibleng dulot ng overloading ang paglubog ng barko, at natuklasan ang discrepancies sa passenger count at safety violations bago umalis ang barko, ngunit pinayagan pa rin itong maglayag.

Ang seaworthiness certificate ay inisyu ng third-party provider na Orient Shipping Lines, na suspendido rin ang accreditation. Iniutos ni Lopez ang koordinasyon para sa posibleng criminal complaints laban sa mga opisyal ng kumpanya at crew.

Sa insidente, 52 katao ang nasawi at 316 ang nakaligtas. (report by Bombo Jai)