-- Advertisements --
Inihayag ng Maritime Industry Authority (MARINA) na pormal nang isinumite ni Administrator Sonia Malaluan sa Office of the President ang kaniyang intensyong magretiro.
Nakatakda sanang maging epektibo ang kaniyang pagreretiro noong Oktubre 1, 2026, o hanggang sa maitalaga ng Pangulo ang kaniyang kapalit o acting administrator.
Gayunman, sinabi ng MARINA na patuloy pa ring ginagampanan ni Malaluan ang kaniyang mga tungkulin habang wala pang itinalagang bagong administrator.
Tiniyak din ng ahensya na magpapatuloy nang walang abala ang operasyon, mga programa at serbisyo nito.
Nagpasalamat naman ang MARINA kay Malaluan sa kaniyang serbisyo, pamumuno at kontribusyon sa pagpapaunlad ng industriya ng maritime sa bansa.
















