-- Advertisements --
Suportado ng Department of Energy ang pansamantalang pagbabawal ng Montenegro lines sa pagsakay ng mga electric at hybrid vehicles sa kanilang mga barko kasunod ng insidente ng sunog sa isang passenger-cargo vessel sa karagatan ng Coron, Palawan.
Ayon sa DOE, nakikipagtulungan Ito sa Bureau of Fire Protection at Maritime Industry Authority (MARINA) para bumuo ng mga safety protocol sa ligtas na transportasyon ng mga electric at hybrid vehicles sa pamamagitan ng dagat.
Layunin ng hakbang na mapalakas ang safety measures sa mga biyaheng pandagat na may kargang EVs at hybrid vehicles.
















