Kinumpirma ng Bureau of Fire Protection (BFP) na kinasuhan na nila ang 16 na indibidwal na may kinalaman sa pagkakasunog ng MV June Aster sa Coron, Palawan na ikinasawi ng 77 katao.
Sinabi ni BFP spokesperson Fire Senior Superintendent Anthony Arroyo, na isinampa ng kanilang Directorate for Investigation ang kaso sa Manila City Prosecutor’s Office nitong Nobyembre 11, 2026.
Ang kasong isinampa ay kinabibilangan ng reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple physical injuries at damage to property.
Ang mga kinasuhan ay kinabibilangan ng anim na crew members ng MV June Aster, tatlong opisyal at empleyado ng Atienza Interisland Ferries Inc, tatlong opisyal at empleyado ng Mega Lifters Cargo Handling Corp at third party contractor ng Philippine Ports Authority (PPA) at apat na non-commissioned officers ng Philippine Coastguard na nakatalaga sa Delpan-Baseco substation.
Kasama rin na kinasuhan ang kapitan ng barko na unang tumakas sa insidente subalit siya ay sumuko matapos ang ilang araw.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad na nagsimula ang sunog sa likurang bahagi ng barko matapos ang chemical reaksyon sa ilang nakalagay na kemikal.
Magugunitang mag-alasiyete ng gabi ng Setyembre 9, 2026 habang patungo sa Coron, Palawan ang barko ng bigla na lamang nasunog at sumabog pa ito.
Karamihan sa mga biktima ay nasunog ang katawan habang mayroong walong pasahero pa ang naiulat na nawawala.
















