-- Advertisements --

Nagtala ng kasaysayan ang Pinay singer na si Carmelle Collado.

Ito ay matapos na magwagi siya sa kakalunsad lamang na Eurovision Song Contest Asia.

Siya ang unang kampeon sa nasabing regional competiton.

Inawit nito ang kantang “Sobra-Sobra” ni Nica del Rosario at Mat Olavides kung saan nagtala ito ng 211 points.

Nanguna ito sa Jury Voting na mayroong 93 points habang nagtamo din ito ng 118 points mula sa boto ng audience.

Pumangalawa naman si Mang x Daou ng Thailand na mayroong 170 points.

Habang si Toc Tien ng Vietnam ay mayroong kabuuang puntos na nakamit na 164.

Sinabi nito na tinitiginan niya ito ng mas maraming oportunidad hindi lamang para sa kaniyang sarili at maging sa OPM na makatulong pa sa mas maraming tao na makadiskubre ng kantang Pinoy.

Siya ang magiging pambato ng Asya sa Eurovision Song Contest 2027 na gaganapin sa Burgas, Bulgaria.