Mayroon ng bagong pangalan ang womens basketball team ng bansa.
Inilunsad nitong araw ng Sabado, Nobyembre 14 ng Samahang Basketbol ng Pilipinas at University Athletic Association of the Philippines ang GILAS HIRAYA.
Ang salitang Hiraya ay mula sa katuparan ng pangarap, pag-asa at pagnanais ng isang tao.
Naisip ng SBP ang nasabing pangalan ay para magkaroon ng sariling pagkakakilanlan ang women’s basketball team ng bansa.
Sinabi ni SBP executive director na isang mahalagang desisyon ang mabigyan sila ng sariling pangalan para magkaroon ng hubog sa kakaibang pangalan para lamang sa kanila.
Hindi lamang aniya nila nais na sundin ang yapak ng programa para sa men’s basketball team dahil nais ng SBP na makagawa sila ng kanilang sariling pangarap.
Magugunitang unang nakilala ang koponan bilang Perlas Pilipinas mula 2005 hanggang 2019 bago gawing Gilas Pilipinas Women.
Ang nasabing pagbabago ng pangalan ngayon ay nagsimula pa noong nakaraang taon sa ginawang pulong ng UAAP at opisyal ng FIBA.
Nagdesisyon ang SBP na kunin ang pangalang Hiraa matapos na ikonsidera ang ibig sabihin at simbolo nito.














