-- Advertisements --

Sinimulan na nina Bennie Boatwright, Malick Diouf, at Elizabeth Jeanette Means ang kanilang naturalization process.

Ang tatlo ay dumalo sa pagdinig sa House of Representatives nitong araw ng Miyerkules.

Pinasalamatan naman ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang mga mambabatas dahil sa pagbibigay oras para mapalakas ang basketball team ng bansa.

Si Boatwright ay dating San Miguel Beermen import na siyang kasama ng magkampeon ang koponan noong 2024.

Habang si Diouf ay naglaro sa University of the Philippines ng tatlong season sa UAAP.