-- Advertisements --

Nahabol ng Rain or Shine Elasto Painters ang double digit na kalamangan ng Converge at para makuha ang unang panalo 124-120 sa quarterfinals playoff ng PBA 50th Season Governors Cup.

Nanguna sa panalo ng Painters si Aaron Fuller na mayroong 31 points at 13 rebounds.

Habang mayroong 26 points si Adrian Nocum sa laro na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

Sa ikatlong quarter ay hawak pa ng Converge ang kalamangan 48-27 hanggang makabawi ang Rain or Shine.

Tinawag ni Rain or Shine coach Yeng Guiao ang laro bilang buwis buhay dahil sa matinding pinagdaanan nila para mabaligtad ang kalamangan.