Pansamantalang susupendihin sa darating na Miyerkules, Oktubre 28 ang operasyon ng Iloilo International Airport, ayon sa anunsyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) nitong Martes.
Alinsunod ito sa isasagawang full-scale search at rescue emergency exercise (SAREX) na pangungunahan ng CAAP Area Center VI mula 2 p.m. hanggang 5:30 p.m.
Ang nasabing drill ay makakaapekto naman sa ilang mga domestic flights:
Cebu Pacific
– 5J 4705 (Iloilo–Davao)
– 5J 453 (Iloilo–Manila)
– 5J 2267/5J 2268 (Manila–Iloilo–Manila)
– 5J 4082/5J 4083 (Cebu-Iloilo-Cebu)
– 5J 455/5J 456 (Manila–Iloilo–Manila)
– 5J 4805/5J 4806 (Puerto Princesa–Iloilo-Puerto Princesa)
– 5J 465/5J 456 (Manila–Iloilo–Manila)
– 5J 457/5J 458 (Manila–Iloilo–Manila)
CebGo
– DG 6428/DG 6429 (Davao–Iloilo-Davao)
Philippine Airlines
– PR 2149/PR 2150 (Iloilo–Manila–Iloilo)
Pinapayuhan naman ang mga pasaherong apektado ng nasabing suspensiyon na makipag-ugnayan sa kanilang mga airlines hinggil sa bagong flight schedules at travel arrangements.















