-- Advertisements --
Nakatakdang makipagpulong si Department of Tourism (DOT) Secretary Cristina Frasco sa ilang mga ahensiya para tugunan ang problema ng mataas na pamasahes sa mga lokal o domestic travel.
Ayon sa kalihim na kakausapin niya ang Department of Transportation (DOTr) para malaman ang magiging remedyo dito.
Naiparating na rin nito ang problema sa Civil Aeronautics Board (CAB) dahil may ilang lokal na destinasyon ang mahal ang bayad sa eroplano.
Magugunitang umani ng batikos ang mataas na presyo sa eroplano patungo sa ilang sikat na tourist destination sa bansa kumpara sa ilang mga bansa gaya sa Vietnam, Hong Kong at Thailand.















