-- Advertisements --

Kinumpirma ng Malacañang na tinanggap na ni dating Philippine National Police (PNP) chief General Nicolas Torre III ang paglipat ng kaniyang four-star rank kay acting PNP chief Lt. General Jose Nartaez Jr.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na personal niyang nakausap si Torre at nagkaroon lamang ng hindi pagkakaunawaan sa naunang pahayag niya na hindi ito mag-optional retirement.

Dagdag pa ni Castro na alam din ni Torre na dahil tinanggap niya ang pagtatalaga sa kaniya ni Pangulong Ferdinand Marcos bilang General Manager ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) marapat na ipasa na ang ranggo kay Nartaez.

Itinanggi rin ni Castro na wala ng magiging pagpupulong pa gaya ng hiling ni Torre na nais niya magkaroon ng pag-uusap sa pagitan ng Pangulo at National Police Commission (NAPOLCOM) ukol sa nasabing usapin.