Pormal na kinalampag ni Senator Imee Marcos ang ehekutibo upang ilantad ang umano’y sabwatan sa pagitan ng gobyerno at ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa pamamagitan ng Senate Resolution No. 340 na inihain nitong Martes, inobliga ng senadora ang administrasyon na isapubliko ang lahat ng communications at agreements sa ICC, kasabay ng unang anibersaryo ng pag-aresto kay Duterte ngayong araw, Marso 11.
Pinuna ni Marcos ang magkasalungat na posisyon ng gobyerno, lalo na ang umano’y pakikipag-ugnayan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa nasabing dayuhang korte.
Nanawagan si Marcos na panagutin ang mga opisyal na lumabag sa Konstitusyon at iginiit ang immediate return ni Duterte sa bansa.
Matatandaang pormal na kumalas ang Pilipinas sa Rome Statute noong 2019, kaya’t mariing tinututulan ng senadora ang pagbalewala sa Philippine Judiciary pabor sa mga arrest warrants ng ICC.















