-- Advertisements --

Magtitipid din ng paggamit ng mga produktong petrolyo ang Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP -HPG) dahil sa patuloy na krisis sa Gitnang Silangan.

Sa inilabas na direktiba ni HPG chief Brig. Gen. Hansel Marantan na dapat ay tumalima sila sa pagtitipid ng paggamit ng krudo.

Dagdag pa nito na kahit na nagtitipid sila ay dapat na tiyakin na hindi makokompromiso ang kanilang trabaho.

Ilan sa mga kaparaanan ay ang paggamit na lamang ng mga bisikleta o motorsiklo sa pagpatrolya para makatipid.