-- Advertisements --

Aminado ang Securities and Exchange Commission (SEC) na hirap silang habulin ang mga hindi rehistradong online lenders.

Sinabi ni SEC representative Izza Roselle Sibal na agad silang tumutugon sa reklamo na ipinaparating sa kanila.

Tanging ginagawa lamang nila ay ang paglabas ng cease-and-desist ordeers laban sa mga hindi rehistradong lending platforms.

Sa ngayon ay mayroong mahigit 1,000 mga online lending platform ang ipinasara ng SEC dahil sa reklamong harassment at pagpapahiya sa publiko ng mga customer nila ng bigong makapagbayad ng utang.

Nakipag-tulungan na rin ang Consumer Lending Association of the Philippines para mabilis na matukoy kung ang mga online lending platform ay lehitimo.

Magugunitang naghain ng panukalang batas ang ilang kongresista na naglalayong agad na matukoy at mapahinto ang anumang pamamayagpag ng iligal na lending platform.