-- Advertisements --

Nanindigan ang Iran na dapat ipatupad ang pitong kondisyon na kanilang hinihirit para matuloy ang pag-uusap nila ng US.

Sinabi ni Parliament Speaker Mohammad Bagher Ghalibaf na hindi nagbabago ang kanilang posisyon sa US.

Ilan sa mga kondisyon ay ang tuluyan dapat na umalis ang US sa mga pantalan nila para malaya ang Iran na makalayag.

Tinawag din nito ang banta at insulto ng US bilang senyales na pagiging desperado na ng Estados Unidos.

Si Ghalibaf ay siyang chief negotiator ng Iran kung saan sinabi nito na nakahanda sila sakaling atakihin sila ng US.

Una ng sinabi ng US Treasury Department na kanilang bubuwagin ang mga iligal na financial networks ng Iran hanggang tuluyang masawata ito.