-- Advertisements --

Ipinatupad ng Iran ang rotational brownout sa buong bansa nito simula Linggo, Nobyembre 22, kasunod na naitalang pinsala sa pangunahing imprastraktura ng kuryente ng bansa kaugnay ng patuloy na hidwaan sa Middle East.

Ayon sa pinuno ng national electricity company ng Iran na si Mohammad Allahdad, napilitan umano ang sektor na limitahan ang pagkonsumo nito dahil sa mababang supply ng langis sa bansa.

“Given the country’s fuel supply conditions, the electricity sector will be forced to impose distribution restrictions from Sunday,” ani Allahdad.

Saad din ni Allahdad, inaasahang tatagal nang dalawang oras kada dalawang araw ang mga mga outages depende sa lugar o rehiyon.

Ang ipanapanukalang pagrarasyon ng kuryente ay kasunod ng naitalang sanib-pwersang atake ng US at Israeli sa imprastraktura ng enerhiya ng bansa — bagay na lalong nagpalala pa sa mahinang supply ng langis ng bansa dulot ng patuloy ng sigalot sa pagitan ng mga nasabing estado.

“The attack on the country’s gas infrastructure has aggravated the situation, and we should therefore expect difficulties this winter,” ani Iranian President Masoud Pezeshkian.

Bagaman kilala sa likas na yaman ng langis at natural gas ang Iran, matagal na nitong suliranin ang pagtugon sa pangangailangan ng kuryente at enerhiya ng bansa.