Kinasuhan ng US Department of Justice (DOJ) ang tatlong Iran-backed operatives na sinasabing sangkot sa serye ng mga planong teroristang pag-atake sa Estados Unidos at Europa, kabilang ang nakabalangkas na pag-atake sa isang air force base sa United Kingdom.
Pormal na inihain ang sakdal laban kina Mohsen Mohajeri, Mohammad Ali al-Hassani, at Mohammad Baqer Saad Dawood al-Saadi na inakusahang nagplano ng mga pagsabog, pananaksak, at paniniktik sa ilalim ng sa disguise na grupong Harakat Ashab al-Yamin al-Islamiya.
Batay sa imbestigasyon, nag-organisa at nagbayad ang grupo ng mga van na naglalaman ng mga bariles ng gasolina at kemikal upang targetin ang RAF Fairford base noong Setyembre 2026 kung saan nakahimpil ang mga tropa ng US.
Isinagawa ng isa sa mga suspek ang pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng mga encoded message mula sa loob ng isang bilangguan sa New York habang ang dalawa naman ay kumikilos mula sa Iran.
Mahigpit namang itinanggi at kinondena ng embahada ng Iran ang mga paratang, habang itinuring itong walang batayang haka-haka sa kabila ng pag-aresto sa pitong indibidwal sa UK.
Binigyang-diin ni FBI Director Kash Patel na ipinapakita ng indictment ang patuloy na banta at determinasyon ng Iran at ng mga katuwang nitong Islamic Revolutionary Guard Corps at Kataib Hezbollah na magsagawa ng karahasan sa Europa at Amerika.













