Inilatag ng National Dairy Authority (NDA) at ng lokal na pamahalaan ng Ormoc ang mga posibleng paraan ng pakikipagtulungan upang masuportahan ang sektor ng agrikultura sa lungsod.
Ibinahagi ng lokal na pamahalaan ang hiling nitong mabigyan ng mga Holstein dairy cows upang makatulong sa plano ng Ormoc na maging isang dairy production hub.
Ayon sa NDA, may potensyal ang lungsod dahil mayroon itong maayos na sektor ng agrikultura at mga organisadong komunidad ng magsasaka, kasama na ang mga umiiral na programa para sa food security at kabuhayan.
Inaasahang makatutulong ang panukalang ito upang magbukas ng mga bagong oportunidad sa mga lokal na magsasaka at mapalago ang lokal na industriya ng gatas.
Kasalukuyang pinag-aaralan ng dalawang panig ang mga susunod na hakbang upang maisakatuparan ang mga napagkasunduang plano para sa lungsod.















