Posible umanong nakapagdesisyon na ang ilang mga senator-judge na madalas lumiban sa umuusad na impeachment trial ni VP Sara Duterte.
Sa isang panayam, sinabi ng law professor na si Atty. Lulu Reyes na maaaring may nabuo nang desisyon ang mga naturang husgado sa kung ano ang kanilang magiging boto kapag kailangan nang pagdesisyunan ang kaso, anuman ang ilahad na ebidensya, kapwa ng Defense at ng House panel.
Posible aniyang hindi na importante para sa kanila ang anumang ilalatag na ebidensiya ng dalawang panig, kaya’t balewala na sa kanila ang anumang direksyon ng umuusad na paglilitis.
Nasasayangan din ang batikang abogado sa pagsisikap ng Senate Impeachment Court na suriing mabuti ang mga ebidensya, kasama ang interest ng publiko na subaybayan ang umuusad na kaso, habang ang ilan sa mga senator-judge ay lumiliban lamang sa halip na makibahagi sa trial.
Sa kabila nito, hinimok pa rin ng abogado ang publiko na bantayan ang umuusad na paglilitis at kilatisin ang mga iprinepresentang ebidensiya ng dalawang panel.
Nasa ika-42 araw na ng Impeachment Trial vs VP Sara Duterte na unang nagsimula noong July 2026.
















