Muling nagpatuloy ang paglilitis sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong Martes, Nobyembre 10, 2026, sa ika-41 araw ng proseso sa Senado matapos pormal na ideklara ang quorum sa pagdalo ng 13 senator-judges at sa pamumuno ni Senator-Judge Bam Aquino sa pambungad na panalangin.
Isinabak ng defense team ang kabilang ikalawang testigo na si Island Garden City of Samal Assessor Engr. John Kenneth Enumerables upang magbigay ng kaniyang testimonya ukol sa ari-ariang inuugnay sa Pangalawang Pangulo at sa kaniyang asawang si Atty. Manases Carpio.
Layunin ng presentasyon ng depensa na pabulaanan ang akusasyon ng prosekusyon na hindi umano idineklara o mali ang naging deklarasyon ni VP Duterte sa kaniyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) kaugnay ng naturang ari-arian sa Samal, Davao del Norte.
Ang pagsalang ni Enumerables ay kasunod ng pagharap kahapon ng unang testigo ng depensa na si Davao City Assessor Engr. Jaime G. Adalin, na napuna ng mga senador dahil sa hindi nito pagbibigay ng malinaw na tugon sa ilang katanungan sa gitna ng paglilitis.
Dahil dito, tinanong ni Senator-Judge Vicente Sotto III si Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero ukol sa mga parusa sa mga indibidwal na magsisinungaling sa harap ng impeachment court, kung saan nilinaw ni Escudero na maaaring patawan ng contempt ng hukuman ang sinumang mag-eevasient answer o magsisinungaling, bukod pa sa posibleng pagharap sa kasong perjury kapag naisampa ito sa regular na hukuman.















