-- Advertisements --

Nagpalabas ng babala ang Philippine National Police (PNP) laban sa mga holiday scam at iba pang kriminalidad habang papalapit ang panahon ng Kapaskuhan sa bansa.

Iginiit ni PNP Chief Police Brig. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na dapat manatiling alerto ang publiko laban sa mga masasamang elemento na pwedeng magsamantala sa dagsa ng mga tao ngayong holiday rush.

Inabisuhan ng pulisya ang publiko na tiyaking lehitimo ang mga travel agency at vacation booking bago magbayad ng anumang halaga.

Pinapayuhan din ang lahat na iwasang magbahagi ng personal o pinansyal na impormasyon sa mga hindi kilalang indibidwal upang hindi mabiktima ng panloloko.

Hinimok naman ng pamunuan ng pulisya ang mamamayan na agad ireport ang anumang kahina-hinalang gawain sa pamamagitan ng emergency hotline na 911.