-- Advertisements --
Inatasan ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang Bureau of Jail Management ang Penology (BJMP) na sagutin ang pagkakaroon ni dating speaker Martin Romualdez ng assistant sa loob ng New Quezon City Jail sa Payatas.
Ayon kay Remulla na marapat na masagot ng BJMP kung ano ang kanilang basehan sa pagkakaroon ng assistant ni Romualdez.
Nanindigan si Remulla na walang anumang detainees ang nakakatanggap ng special treatment.
Nais malaman ni Remulla kung sino ang nag-apruba sa BJMP para magkaroon ng assistant sa loob ng piitan si Romualdez.
Umaasa ang opisyal na maipapasa ni BJMP chief Efren Nemeno sa itinakda nitong deadline ang pagsumite ng lahat ng mga records.















