-- Advertisements --
Makararanas ng ‘Danger’ Level Heat Index ang Occidental Mindoro at ilang iba pang lugar bukas, Linggo, Nobyembre 8.
Inaasahang aabot sa 42 degrees Celsius ang heat index sa San Jose, Occidental Mindoro at La Granja, La Carlota sa Negros Occidental.
Ayon sa state weather bureau, posibleng makaranas ng heat cramps at heat stroke ang mga taong matagal na malalantad sa matinding init sa ilalim ng ‘Danger’ Level.
Dahil dito, pinayuhan ang publiko na limitahan muna ang mga gawaing panlabas, uminom ng sapat na tubig, at iwasan ang mga inuming maaaring magpalala ng dehydration gaya ng kape, tsaa at alak.
Pinaalalahanan din ang publiko na manatili sa malamig o maaliwalas na lugar upang maiwasan ang mga sakit na dulot ng matinding init.














