Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na wala pa silang natatanggap na pormal na kahilingan mula sa International Criminal Court (ICC) ukol sa pagbibigay ng proteksyon sa mga testigong tatalakay sa kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Tiniyak naman ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. na nakahanda ang pambansang pulisya na tiyakin ang kaligtasan ng sinumang mamamayan at mga witness bilang bahagi ng kanilang pangunahing tungkulin.
Ipinaliwanag ng pinuno ng pulisya na kinakailangan muna nilang matukoy at makilala ang mga indibidwal na nag-aalala sa kanilang seguridad kaugnay ng umiiral na imbestigasyon ng ICC.
Isinagawa ang pahayag matapos humiling ang mga prosecutor ng ICC ng proteksyon para sa 55 testigo sa kasong crimes against humanity kaugnay ng kontrobersyal na war on drugs ng nakaraang administrasyon.
Nilinaw ni Nartatez na bagama’t wala pang opisyal na kahilingan, kusang kumikilos ang PNP batay sa sitwasyon upang maiwasan ang anumang banta sa kaligtasan ng mga sangkot na saksi.
















