Pinulong na ni Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso ang mga ‘department heads’ ng lokal na pamahalaan ng lungsod.
Ito aniya’y bilang paghahanda sa nalalapit na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit 2026 gaganapin ngayong Nobyembre.
Layon na matiyak ang pagiging handa ng mga ito sapagkat magiging ‘venue’ ang lungsod para sa ilang mga mahahalagang pagpupulong, at aktibidad.
Ayon kay Mayor Isko, bahagi sa mga ibibida ng lungsod lalo na sa mga bibisitang lider ay ang mga modernong eskwelahan, vertical housing at bagong ‘health centers’ ng Maynila.
Dahil sa gaganapin ASEAN Summit 2026, partikular sa November 15, 16, 17 at 18 ay pinaalalahanan ang mga motorista na paghandaan din ang kanilang mga pagbyahe.
Magkakalat aniya kasi ang mga security personnel, at convoy ng mga lider ng bansang bibisita sa Pilipinas.













