Ang ilang delegasyon dumalo sa 36th ASEAN Socio-Cultural Community Council Meeting ay bumisita sa lungsod ng Marikina bilang isa sa mga host city ng 2026 ASEAN Summit.
Personal nilang nasaksihan ang mayamang kultura ng lungsod at pagiging matagal nang estado bilang Shoe Capital of the Philippines.
Sinalubong nina Marikina City Mayor Maan Teodoro, 1st Dist. Rep. Marcy Teodoro at iba pang opisyal ang delegasyon sa isang Lerion Dance, tradisyonal na sayaw ng lungsod.
Ayon sa alkalde, ikinararangal nitong salubungin ang delegasyon upang maibahagi ang mayaman kultura, kasaysayan at pagkamalikhain ng mga lokal.
Bahagi sa kanilang pagbisita, nagtungo ang mga delagado sa Marikina Shoe Museum kung saan tampok ang kasaysayan ng industriya sa paggawa ng sapatos at mga koleksyon.
Kasabay nito’y nagsagawa din ng experiential tour ang grupo kasama ang mga lokal upang personal masaksihan at maipamalas ang husay sa industriya.











