Makakaranas ng ‘drought condition’ ang 12 probinsiya sa iba’t-ibang bahagi ng bansa sa pagtatapos ng Nobiyembre 2026.
Ang naturang kondisyon ay pangunahing mararanasan sa Luzon at Visayas, batay sa inisiyal na pagtaya ng state weather bureau. Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:
Luzon:
Albay
Camarines Norte
Camarines Sur
Catanduanes
Visayas:
Capiz
Leyte
Negros Oriental
Samar
Siquijor
Southern Leyte
Mindanao:
Isabela City, Basilan
Misamis Oriental, including Cagayan de Oro City
Paliwanag ng weather bureau, ang drought condition ay tatlong magkakasunod na buwan kung saan mas mababa ng 60% kaysa sa average rainfall ang mararanasang ulan sa mga lugar na natukoy na maaapektuhan nito.
Pinaghahanda ang publiko ukol sa magiging epekto ng naturang weather condition.















