-- Advertisements --
Nagtapos sa ikalimang puwesto ang Filipino swimmer na si Jamesray Mishael Ajido sa kanyang heat sa swimming competition ng Dakar 2026 Youth Olympic Games matapos magtala ng 55.16 segundo.
Nagpakita rin si Ajido ng mabilis na reaction time na 0.61 segundo sa kanyang laban kontra sa kanyang mga katunggali mula sa iba’t ibang bansa.
Bagama’t hindi nakapasok sa mga nangungunang puwesto, Ipinahayag naman ng Philippine Olympic Committee ang pagmamalaki sa ipinakitang dedikasyon ni Ajido sa pandaigdigang kompetisyon.














