-- Advertisements --

Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang walong tripulante ng isang motorisadong bangka matapos itong bahagyang lumubog sa karagatang sakop ng Dalupiri Island, Calayan, Cagayan noong Oktubre 31, 2026.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Coast Guard Station Calayan matapos matanggap ang ulat ng insidente. Kabilang sa mga nasagip ang kapitan ng M/B Rose Marie 1.

Matapos ang rescue operation, isinailalim sa medical assessment ang lahat ng tripulante sa Calayan Rural Health Unit. Isa sa kanila ang nagtamo ng sugat sa kanang tuhod, habang ang ilan ay sinuri dahil sa posibleng altapresyon.

Naisagawa ang operasyon sa tulong ng Philippine National Police, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, Bureau of Fire Protection at mga tripulante ng sakay ng bangka.