-- Advertisements --
Nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mahigit apat na kilo ng hinihinalang marijuana sa isang delivery hub sa Barangay Bulanit, Labangan, Zamboanga del Sur noong Oktubre 31, 2026.
Ayon sa PDEA Regional Office 9, umabot sa 4.274 kilo ang timbang ng mga nakumpiskang hinihinalang ilegal na droga, na nagkakahalaga ng P512,880.
Nakuha ang mga ito mula sa isang parsela na naglalaman ng apat na bloke ng pinatuyong dahon na hinihinalang marijuana. Isinagawa ang operasyon katuwang ang Special Enforcement Service K9 Unit.
Walang naitalang pag-aresto sa operasyon habang patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga taong may kaugnayan sa ipinadalang parsela.
















