-- Advertisements --

Nasamsam ng PNP ang higit P49.7M na halaga ng hinihinalang ilegal na droga at marijuana kasunod ng ikinasang magkakahiwalay na operasyon sa Lanao del Sur, Kalinga at Iloilo.

Sa Iloilo City, dalawang suspek ang naaresto ng PNP na nakuhanan ng nasa 160 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng higit P1M.

Sa Lanao del Sur naman, 300 grams ng shabu na nagkakahalaga ng higit P2M ang narekober sa inilunsad na anti-drug operation ng mga otoridad na ikinasawi ng isang armadong suspek.

Habang, sa Tinglayan, Kalinga, aabot sa mahigit 156k fully grown marijuana plants at 100 kilo ng dried marijuana leaves, na may halagang P43.2M, ang winasak ng mga operatiba.

Isa pang operasyon ang isinagawa sa Kalinga, na nagresulta naman sa pagasira ng nasa 17,000 marijuana plants na street value na P3.4M.

Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., magpapatuloy ang operasyon laban sa ilegal na droga, at tiniyak na naaayon sa batas at tamang proseso ang lahat ng ikinakasa nilang operasyon.