-- Advertisements --

Napiling maghost para sa 2035 FIFA Women’s World Cup ang United Kingdom.

Kinumpirma ito ng FIFA kung saan ang mga bansang England, Northern Ireland, Wales at Scotland ang napiling magiging host ng nasabing prestisyosong football event.

Ito rin ang unang pagkakataon na maging host ang UK ng ng football World Cup mula ng maging host ang men’s tournament noong 1966.

Ang apat kasi na bansa ay siyang tanging bidders para sa torneo na ito ay na-ratified bilang co-host sa ginawang pulong sa FIFA headquarters sa Zurich.

Mayroong 104 na matches ang matutunghayan na binubuo ng 48 na koponan at ito ay gaganapin sa loob ng 39 na araw.

Ang nasabing anunsiyo ay kasabay ng pahayag ng gobyerno ng UK na target nila ng maglaro ang nasa isang milyong kababaihan ng nasabing football.