-- Advertisements --

Tinawag ni football star Lionel Messi ang araw ng kaniyang pagreretiro bilang pinakamalungkot na araw sa kaniyang karera.

Nagtala pa ng goal si Messi ng talunin nila ang Benin ang football team sa West Africa.

Matapos ang laro ay nagsalita ito kung saan pinasalamatan niya ang lahat ng mga nakasama sa loob ng 21 taon na karera.

Dagdag pa ng 39-anyos na football star na kahit nagkaroon ng mga anumang problema niya sa buhay ay pinilit pa rin nitong bumangon at lumaban.

Itinuturing niya na ang paglalaro sa Argentina football team ay isang karangalan sa buong career niya.

Ang kaniyang pagreretiro ay naganap matapos ang mahigit dalawang buwan ng mabigo ang Argentina sa Spain para makuha ang FIFA World Cup title.

Kasalukuyang naka-kontrata si Messi sa Miami team ng hanggang 2028 subalit sinabi nito na maaring hindi na niya matapos ito.