-- Advertisements --
Nakaligtas sa tangkang pananambang ang Bollywood actor na si Tiger Shroff.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, binaril ang aktor habang ito ay nasa loob ng kaniyang sasakyan.
Sugatan ang dalawang katao kabilang ang driver nito.
Mayroon ng naaresto ang kapulisan ng Mumbai na tatlong suspek na umanoy nasa likod ng insidente.
Ang aktor ay anak ng beteranong Bollywood actor na si Jackie Shroff.
Kinondina naman ni Maharashtra Chief Minister Devendra Fadnavis ang nasabing pananambang at sinabing hindi ito katangap-tanggap.















