-- Advertisements --

Nanawagan si United Nations Secretary-General Antonio Guterres sa mga bansa na dapat ay magkaroon ng paghihigpit sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI).

Sa isinagawa nitong pulong ay mahalaga na ang bawat bansa ay makagawa ng principles-based multilateral framework para sa AI.

Kahit na malapit ng matapos ang termino ni Guterres sa buwan ng Disyembre ay naging ‘vocal’ siya sa paglaganap ng mga makabagong teknolohiiya para maiwasan ang paggamit ng “killer-robots’ sa realidad.

Papayuhan din nito ang papalit sa kaniya na dapat ituloy ang paglaban sa negatibong dulot ng AI.

Magugunitang maraming bansa na rin ang nagpasa ng batas para maiwasan ang pang-aabuso sa paggamit ng AI.