-- Advertisements --
Isinusulong ng Department of Energy (DOE) na gawing susunod na potensyal na hub ang lalawigan ng Batangas para sa artificial intelligence (AI) at hyperscale data centers sa bansa.
Ito ay bunsod ng pagkakaroon ng lalawigan ng mahigit 5,000 megawatts (MW) na natural gas capacity kabilang ang 4,552.9 MW na dependable capacity kaya itinuturing itong isa sa pinakamalalaking power generation centers sa Pilipinas.
Ayon sa DOE, malaking bentahe ang pagiging malapit ng Batangas sa mga planta ng kuryente dahil mas nagiging mabilis at madali ang pagkuha ng matatag na suplay ng enerhiya para sa mga data center.
Upang mas mahikayat ang mga mamumuhunan, ipinanukala ng kagawaran ang pagtatatag ng mga nakalaang data center zones sa loob ng mga economic estate sa probinsya.
Kasama rin sa mga inihahandang hakbang ang pag-aalok ng pre-approved environmental at electrical clearances, pagtitiyak ng backup power connections, at pagkakaroon ng ready-to-use infrastructure para sa mas mabilis na operasyon.














