-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng kanilang bawas presyo ngayong araw.

Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P 3.80 na bawas sa kada litro ng diesel.

Habang mayroong P1.50 sa kada litro ang bawas sa gasolina.

Nagkaroon din ng P5.80 na bawas sa kada litro ang kerosene.

Ayon sa Department of Energy (DOE) na ang bawas presyo ay dahil sa nakakadaan na ang mga oil tankers sa Strait of Hormuz.