Nagkasundo ang Department of Energy (DOE) at ang Economic Research Institute for ASEAN and East Asia (ERIA) na magtulungan para mas mapabuti at maprotektahan ang suplay ng kuryente sa bansa.
Pormal nilang pinirmahan ang kasunduang tatagal ng dalawang taon noong Nobyembre 15, sa pangunguna nina Energy Secretary Sharon Garin at ERIA President Tetsuya Watanabe.
Ayon kay Secretary Garin, layunin nitong magbigay ng mas maayos na serbisyo at mas mababang bayarin sa kuryente para sa bawat pamilya at negosyong Pilipino.
Gagamitin ang mga pananaliksik at gabay ng ERIA para masiguro na mas matatag, maaasahan, at kayang bayaran ang kuryente na alinsunod sa Philippine Energy Plan.
Nakatutok din ang kasunduan sa pagpapalawak ng kuryente sa mga malalayong isla pati na sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya tulad ng hydrogen, waste-to-energy, at small-scale LNG.















