-- Advertisements --

Mayroon nakahandang libreng sakay na ipapaubaya sa mga naapektuhan ng tigil-pasada sa buog bansa.

Ayon kay PBGeneral Allen Rae Co, hepe ng Public Information Office ng Philippine National Police (PNP) na gaya ng mga nagdaang transport strike ay mayroon silang inilalaan na mga libreng sakay.

Mahigpit din ang ugnayan nila sa mga local government unit (LGU) para sila ang maglaan ng mga libreng sakay.

Sa pagtaya ng PNP ay walang gaanong epekto pa ang dalawang araw na ikinasa ng mga transport group na nagsimula nitong araw ng Lunes, Nobyembre 23 dahil mayroong ilang mga pampasaherong jeep ang pumapasada.

Magugunitang inilunsad ng grupong Manibela ang tigil-pasada dahil sa naganap na balasahan sa Land Transportation Office ganun din ang patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo kung saan kakapiranggot lamang ang mga bawas presyo.