-- Advertisements --

Pansamantalang sususpindihin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pag-iisyu ng Guarantee Letters (GLs) sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program simula Nobyembre 30.

Ayon kay DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, layunin ng hakbang na mabigyan ng panahon ang ahensya na makumpleto ang taunang liquidation process at mabayaran ang mga obligasyon nito sa mga service provider.

Gayunman, nilinaw ng DSWD na hindi maaapektuhan ng suspensyon ang pagbibigay ng agarang cash assistance sa mga indibidwal at pamilyang nangangailangan. Patuloy pa ring tatanggap ng mga kliyente ang mga field office at satellite office ng ahensya sa buong bansa.

Inaasahang magbabalik ang pag-iisyu ng Guarantee Letters sa unang opisyal na araw ng trabaho sa Enero 2027.