Bukas ang PH government sa pakikipagtulungan sa mga miyembro ng Assiciation of Southeast Asian Nation (ASEAN) para matugunan ang tumitinding epekto ng El Nino, lalo na sa mga lugar na direktang nakaharap sa Pacific Ocean na pangunahing apektado.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, pinagtitibay ng member-countries ang kani-kanilang pagtutulungan upang maprotektahan ang mahihirap at vulnerable sector laban sa epekto ng naturang weather phenomenon.
Maaari aniyang anuman ang epektibo sa ibang bansa ay epektibo rin sa ibang bansa kaya’t kailangang magkaisa ang mga ito upang mapagsama-sama ang mga matutukoy na best practices.
Sa kasalukuyan, mayroon aniyang kani-kaniyang programa ang bawat miyembrong bansa para matulungan ang mga pamilyang higit na apektado ng mga krisis, na akma sa kanilang pangangailangan at sa dinanas nilang impact.
Giit ng kalihim, mahalaga ang palitan ng kaalaman at karanasan ng mga bansa sa larangan ng social protection, lalo’t walang umiiral na iisang modelo para matugunan ang matinding epekto ng kasalukuyang very strong El Niño.
Nagpahayag naman ang kalihim ng kumpiyansa sa kakayahan ng ASEAN member countries na makapagbabahagi ng mga epektibong hakbang upang mas mapatatag ang proteksyon sa mahihirap at vulnerable sector.














