-- Advertisements --
Arestado ang isang 51-anyos na barangay kagawad matapos makumpiska ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang apat na hindi lisensiyadong baril sa isang operasyon sa Barangay Ingas, Infanta, Quezon noong Nobyembre 21, 2026.
Isinagawa ang operasyon sa bisa ng search warrant sa tulong ng Regional Mobile Force Battalion 4A at Infanta Municipal Police Station. Nasamsam ang isang 5.56mm rifle, submachine gun, .30 caliber carbine, 9mm pistol, mga suppressor, magazine at bala.
Hindi rehistrado sa PNP Firearms and Explosives Office ang mga nakumpiskang baril, habang wala ring License to Own and Possess Firearms (LTOPF) ang naarestong opisyal.















