-- Advertisements --

Umabot na sa P300 million ang halaga ng tulong na naipagkaloob ng PH government sa mga mamamayang apektado sa pagputok at tuloy-tuloy na pag-alburuto ng bulkang Mayon.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Spokesperson ASec Irene Dumlao, bahagi ito ng humanitarian aid at augmentation support ng ahensiya, maliban pa sa sariling tulong ng mga lokal na pamahalaan at ng independent groups na tuloy-tuloy na nagpapaabot ng tulong sa mga apektadong mamamayan.

Mula noong nagsimula ang panibagong pag-alburuto ng naturang bulkan noong January 2026, umabot na rin sa halos 300,0000 indibidwal ang natukoy na apektado.

Ito ay katumbas ng 71,500 na pamilya mula sa kabuuang 159 na apektadong barangay.

Sa kasalukuyan, nananatili sa loob ng evacuation center ang 1,714 indibidwal na katumbas ng 517 na pamilya.

Bukas ang 11 evacuation centers na binabantayan ng mga otoridad.