-- Advertisements --

Patuloy na binabantayan ng state weather bureau ang Bagyong In-Fa na kasalukuyang nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Batay sa 2:00 AM weather bulletin, namataan ang bagyo sa layong 1,770 kilometro silangan-hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 130 km/h at pagbugsong hanggang 160 km/h. Kumikilos ito pahilagang-hilagang-kanluran sa bilis na 10 km/h.

Patuloy namang minomonitor ng weather bureau ang posibleng pagbabago sa direksiyon at lakas ng bagyo.