-- Advertisements --

Handang magbigay ng pansamantalang trabaho ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga rider-partner ng motorcycle taxi platform na posibleng maapektuhan ng pagbabawas ng bilang ng kanilang mga rider.

Ayon kay DOLE Secretary Francis Tolentino, maaaring mag-alok ang kagawaran ng temporary employment sa mga rider na posibleng mawalan ng kabuhayan habang naghahanap ang mga ito ng iba pang mapapasukang trabaho.

Pinag-aaralan din ng DOLE ang posibilidad na mailipat ang mga maaapektuhang rider sa iba pang platform-based companies.

Kasunod ito ng pagtukoy ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na sumobra na sa awtorisadong bilang ang rider-partners ng Move It.

Batay sa datos ng ahensya, umabot na sa 55,575 ang bilang ng riders ng kumpanya, gayung 17,746 lamang ang pinapayagang bilang.

Dahil dito, pinatawan ng LTFRB ang Move It ng multang nagkakahalaga ng 555.75 milyong piso dahil sa paglabag sa itinakdang limitasyon sa bilang ng mga rider.