Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer ng tamang pasahod ngayong Nobyembre 2 o All Soul’s Day na idineklara bilang Special non-working Day.
Sa Labor Advisory 18 ng DOLE, na ipinatupad ang ” no work, no pay”.
Habang ang mga empleyadong papasok ay mababayaran ng dagdag na 30 percent sa kaniyang arawang sahod sa loob ng walong oras.
Sakaling sumubra ng walong oras ay mababayaran ang empleyado ng dagdag na 30 percent sa kada oras na kaniyang ipinasok.
Habang kung ang isang empleyado ay nataon na day-off at pinapasok ito ng kumpanya ay mababayaran siya ng dagdag na 50 percent sa arawan nitong sahod sa unang walong oras.
Kapag ito ay lumagpas ng walong oras ay babayaran ito ng dagda ng 30 percent ng kaniyang arawang sahod.














