-- Advertisements --

Inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang special permits ng 1,131 na buses ilang araw bago ang paggunita ng Undas.

Layon sa LTFRB na mayroong nasa 90 pa na permit ang kasalukuyang inaaral.

Sinabi ni acting LTFRB Chair Greg Pua Jr na kanilang iniinspek ang mga buses kung ito nga ba ay ligtas para sa mga pasahero.

Una ng sinabi ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na inaasahan nila ang nasa 1.9 milyon na pasahero ang uuwi sa kani-kanilang mga probinsiya.