-- Advertisements --

Nagkakaroon na ng pag-uusap ang Light Rail Transit Authority (LRTA) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa planong pag-deploy ng mga buses na may ruta ng LRT-2.

Ang nasabing hakbang ay kasunod ng kautusan ng Department of Transportation sa dalawang ahensiya na tingnan ang posibilidad na magbigay ng special permits sa mga buses na may biyaheng Antipolo- Recto.

Layon nito ay para maibsan ang siksikan kung saan mayrong walo sa 10 train sets lamang ng LRT-2 ang operational.

Kasalukuyang sumasailalim sa upgrade ang isang train habang ang isa ay inaayos.

Sinabi naman ni LRTA Administrator Hernando Cabrera na layon ng nasabing pagpupulong ay ang paglalagay ng mga bus stops sa LRT-2 stations .

Dagdag pa nito na mayroong mataas na volume ang Antipolo stations tuwing rush hours mula ala-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga.